Friday, April 4, 2008

parokyano

Ako si Mickel.

Call boy.

Marami akong nagiging customer gabi gabi. Bumebenta rin kahit papano. May mayaman na kostumer, may mahirap, may babae pero mas marami ang lalake. Maraming maraming lalake.

Nubenta y nuebe porsyento sa kanila foreigner. Ibig sabihin dolyar. Dolyar na pinanglalamon ko sa sarili ko. Dolyar na hindi ko makukuha sa ibang paraan.

Pero minsan nagagalit sila pag hindi ko sila napapaligaya. Ang hirap hirap nilang paligayahin. Dapat sagad. Dapat mong itodo talaga kung hindi aayawan ka. Idudura ka at maghahanap ng iba.

Hay...

Mabuti na lang may mga araw na napapahinga ko rin ang sarili ko. Lunes at Biyernes. Pahinga ko naman ang katawan ko na sobrang gamit na gamit na... pagod na pagod na. Nangangayayat na ako. Pero cge padin ng sige na parang hindi napapagod kahit sa katotohanan ay minsan ayaw ko na. Hindi na ako maligaya sa mga pinag gagagawa ko sa sarili ko. Halimbawa ng pagtiis ko ang gutom kasi baka makuha ang kostumer na sana ay akin na lang. Maraming isda ang nasa aking dagat. Nagpapasikip ng mundo ko.

Naghihintay na lang ako ng himala na magaalis sa putik na kinalalagyan ko ngayon. Pagod na ako.

Pagod na pagod.

Maghahanap na ako ng ibang Call Center

No comments: